BOC-Davao at PCG magtutulungan MARITIME SECURITY AND BORDER PROTECTION PALALAKASIN SA MINDANAO

NAGSAGAWA ng pagpupulong ang Bureau of Customs – Port of Davao at Coast Guard District Southeastern Mindanao para sa pagtutulungan ng pagpapalakas ng maritime security at border protection sa Mindanao area.

Ang pulong noong Setyembre 6, 2023 ay dinaluhan ni Port of Davao District Collector Maritess Martin sa courtesy call ni CG Commodore Rejard V. Marfe, Coast Guard District Southeastern Mindanao Commander, at iba pa sa naturang pwerto.

Tinalakay sa pulong ang pagtutulungan ng BOC-Davao at ng Coast Guard partikular sa usapin ng smuggling at ibang klase ng pagpupuslit ng mga kontrabando gamit ang malawak na karagatan ng Mindanao.

Ang pagtutulungang ito ay isang mahalaga at makabuluhang hakbang sa pagsusulong ng maritime safety at seguridad sa loob ng rehiyon.

Ang dalawang ahensiya ay nakibahagi sa produktibong pagtalakay, naka-focus sa mga inisyatiba para sa ligtas na maritime borders, paglaban sa smuggling, at pag-streamline ng mabilis na kalakalan.

Ang pangakong magsagawa ng regular meetings ay binigyang-diin para sa malawak na kooperasyon, naka-focus sa pagbibigay ng impormasyon, pagbuo ng kapasidad, at magkasanib na mga aktibidad na ipatutupad.

Ang partnership na ito, sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Bienvenido Rubio, ay nakalinya sa matatag na dedikasyon ng gobyerno sa pagprotekta sa national interests at pagpapaunlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng ligtas na maritime trade.

(BOY ANACTA)

87

Related posts

Leave a Comment