BOC AT DTI-STMO LUMAGDA SA MOA PARA SA STRATEGIC TRADE FACILITATION

LUMAGDA sa Memorandum of Agreement (MOA) ang Bureau of Customs (BOC), sa pamumuno ni Commissioner Bienvenido Rubio, kasama sina Dr. Ceferino Rodolfo, Undersecretary ng Department of Trade and Industry (DTI) – Industry Development Trade and Promotions Group, at Atty. Janice Sacedon-Dimayacyac, Director ng DTI-Strategic Trade Management Office (STMO) kaugnay sa Strategic Trade Facilitation noong Setyembre 4, 2023.

Ang seremonya ay nagmamarka sa isang makabuluhang milestone sa pagsisikap na palakasin ang implementasyon ng Republic Act No. 10697 o mas kilala bilang Strategic Trade Management Act (STMA), in the Philippines.

Ang commissioner kasama ang pangunahing opisyal mula Bureau of Customs, kasama sina Atty. Vener S. Baquiran, Deputy Commissioner of the Bureau’s Assessment and O­perations Coordinating Group (AOCG), at Atty. Clarence S. Dizon, Director ng Port O­perations Service sa ilalim ng AOCG.

Si Commissioner Rubio, na aktibong nagtrabaho kasama ng STMO, na itinalagang Officer Primarily Responsible for strategic trade management, sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang Director ng BOC Port Operations Service, ay nagpahayag ng kanyang pasasalamat para sa oportunidad na maging parte ng mahalagang okasyon na ito.

Ang MOA ay nangangahulugang determinado sila sa kanilang pangako na magbuo ng matatag at epektibong estratehiya ng trade controls sa bansa na naaayon sa United Nations Security Council Resolution No. 1540.

Ang resolusyong ito ay naghihimok sa UN Member States para ipatupad ang mga hakbang at pagbuo ng domestic controls para labanan ang paglaganap ng nuclear, chemical, o ang biological weapons at paghahatid ng mga ito, sa pamamagitan ng strategic trade management.

Pangunahing tampok sa kasunduan, ang mga probisyon para sa capacity-building support para sa pagpapahusay ng BOC ng kanilang kaalaman sa ‘strategic goods and foster enhanced cooperation’ sa pagitan ng BOC at STMO.

Ang kasunduang ito ay sumasaklaw sa ‘data sharing, risk management, trade facilitation, and monitoring collective efforts’.

Binigyang-diin naman ni Commissioner Rubio na ang kasunduan ay nakalinya sa core mandates ng BOC: “Strengthening border control, enhancing trade facilitation, and improving lawful revenue collection. It paves the way for a future in which strategic trade control processes expedite clearances, reduce transaction time and costs, and maintain effective levels of strategic trade control’.

(JOEL O. AMONGO)

194

Related posts

Leave a Comment