BOC NAGLABAS NG SARILING BERSYON NG ‘‘CUSTOMS 101”

Commissioner Rey Leonardo Guerrero-2

LAYONG madaling masundan ng kanilang stakeholders at partners ang mga kalakaran sa Aduana, minabuti ng Bureau of Customs na magpalabas ng kanilang bersyon ng “Customs 101”.

Sinabi ni BoC Commissioner Rey Leonar­do Guerrero na sa pama­magitan ng kanilang inilunsad na panuntunan ay mapapadali na ang computation ng duties and taxes ng  items na ipinadadala sa pamamagitan ng express shipment.

“Customs 101 has been created to make it easy for businessmen into export and import to compute the cost of their shipment,” ayon kay Guerrero.

“This is aside from the truth that it would be of great help to BoC in terms of improving collection on duties and taxes so as to keep up to global trade.”

Iginiit ni Guerrero na maraming ipinatupad na makabagong sistema noong 2019 kabilang na ang Republic Act (RA) No. 10863 na kilala sa tawag na na Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) na ni­lagdaan ni Pangulong Ro­drigo Roa Duterte na naging daan sa pagtaas ng koleksyon ng kawanihan.

Ginawa ang batas na ito para maging makabago na ang Customs rules and procedures para sa mas mabilis na kalakalan, mabawasan ang korapsyon at mapaganda pa ang paghahatid ng serbisyo sa taumbayan. (Boy Anacta)

189

Related posts

Leave a Comment