E-TRAVEL CUSTOMS SYSTEM INILUNSAD

INILUNSAD ng Bureau of Customs (BOC) ang magpapatibay sa national security at pag-streamline sa customs procedures sa pakikipagtulungan ng pangunahing stakeholders, ito ay ang ipinakilalang E-Travel Customs System noong Nobyembre 21, 2023.

Ang makabagong sistemang ito na inilunsad sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1, ay pinagsamang pagsisikap ng Bureau of Immigration (BI), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Anti-Money Laundering Council (AMLC), at ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Ang pagsasama ng Electronic Customs Baggage Declaration Form (e-CBDF) at Electronic Currencies Declaration Form (e-CDF) sa BI’s eTravel System ay kumatawan sa isang mahalagang hakbang sa pag-digitize ng data collection processes para sa mga biyahero at crew member na paparating at papaalis ng Pilipinas.

Ito ay pagtutulungang inisyatiba na ang layunin ay i-optimize ang border control, pagbutihin ang health surveillance, at pag-facilitate ng economic data analysis.

Ang E-Travel Customs System ay isang unified digital data collection platform na pinasimple ang karanasan ng pasahero sa airport terminals.

Bukod dito, kapansin-pansin na ang pangunahing tampok nito ay ang Electronic Customs Baggage and Currency Declaration interface, dating bahagi ng BOC’s I-Declare System, na ipinakilala noong Hunyo 29, 2022.

Ang travelers at crew members ay maaari na ngayong gamitin ang user-friendly at single web portal na nagsasama sa border control requirements ng Bureau of Immigration, Bureau of Quarantine, Bureau of Customs at ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ito ay nagpapahusay sa pangkalahatang karanasan ng pasahero at nagbibigay- daan sa BOC upang makatanggap ng paunang impormasyon para sa epektibong pag-profile ng panganib.

Karagdagan nito ang napapanahong pagbabahagi ng impormasyon kasama ang AMLC at BSP, sa pagpapalakas ng pangako ng bansa para labanan ang money laundering at tiyakin ang financial security.

Si Bureau of Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio ay nagpahayag ng kumpiyansa sa potensyal ng E-Travel Customs System na ma-revolutionize customs processes, sinabi niyang: “This collaborative initiative demonstrates our commitment to innovation and efficiency in customs management. The E-Travel Customs System will play a pivotal role in ensuring the security of our borders and fostering a seamless travel experience for all. We are dedicated to advancing our customs practices, aligning with global stan­dards, and safeguarding the interests of our nation.”

(JOEL O. AMONGO)

108

Related posts

Leave a Comment