ISA sa naging panauhing pandangal si Commissioner Bienvenido Y. Rubio sa European Chamber of Commerce of the Philippines (ECCP) Joint Luncheon Meeting kasama ng Food and Drug Administration (FDA) at ilang mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) noong Nobyembre 14, 2023, sa Dusit Thani Hotel, Makati City.
Bilang isa sa pinakamalaking foreign chambers sa bansa, layunin ng ECCP na pag-ugnayin ang mga negosyo, entrepreneur, at professional mula Europe at Pilipinas.
Sa pagtutulungan ng BOC at FDA, ang luncheon meeting ay nagsilbi bilang daan para sa pakikipag-ugnayan ng stakeholders sa kinauukulang mga ahensiya ng gobyerno upang talakayin ang iba’t ibang usapin na nakakaapekto sa mga proseso ng importasyon at mabilis na kalakalan.
Sa kanyang pananalita, kinilala ni Commissioner Rubio ang papel ng ECCP sa pagbibigay ng isang plataporma sa kanilang mga miyembro upang matugunan ang investment-related issues, na sumasalamin sa pangako ng BOC para masuportahan at mapanatili ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
Iprinisenta rin ni Rubio ang mga tagumpay ng Bureau at plano para sa pagpapahusay ng customs clearance process na nakalinya sa international standards.
Kasama rin sa nasabing meeting sina Deputy Commissioner Vener Baquiran ng Assessment and Operations Coordinating Group, Deputy Commissioner Kriden Balgomera Technology Group, at
Acting Director Atty. Clarence Dizon ng Port Operations Service at iba pang commissioner.
(JOEL O. AMONGO)
244