Kauna-unahan sa District V BOC-LEGAZPI NAKAKOLEKTA NG P1-B NGAYONG AGOSTO

SA kauna-unahang kasaysayan ng port, ang Bureau of Customs-Legazpi ay nakagawa ng isang kahanga-hangang pangyayari sa pagkolekta ng kita na umabot ng P1 bilyon noong nakaraang Agosto 7, 2023.

‘As of August 7, ang nasabing port ay may kabuuang revenue collection na P1,010,695,196.25.

Ito ay kahanga-hangang tagumpay at testamento sa visionary leadership at estratehikong mga patakaran ni Commissioner Bienvenido Rubio.

Sa ilalim ng patnubay ni Commissioner Rubio, ang BOC-Legazpi ay sumailalim sa isang makabuluhang pagbabago, at umuunlad sa progresibong sentro ng ekonomiya.

Matatandaan, noong Mayo ngayong taon, ang port ay winelcome ang kanilang first-ever fuel importation, na nagsimula nang maging pinakamalaking pinagmumulan ng kita para sa nasabing port.

Ang kahalagahan ng iba pang mga kalakal tulad ng bigas, coal, cement, at pyrite cinder, ay karagdagang kontribusyon sa paglago ng kita ng port.

Kaugnay nito, ang Port ay nagpahayag ng kanilang pasasalamat kay Commissioner Rubio at kanilang team para sa mahusay na mga patakaran at patnubay na naging daan sa milestone na ito ng BOC-Legazpi.

Ang BOC- Legazpi ay sumusulong at nananatili sa kanilang pangako sa kanilang misyon at sa patuloy na paghahatid ng kanilang mandato at epektibong serbisyo.

Sa pangakong ito, sinisiguro ng port ang patuloy na pagpapalago at magandang epekto sa ekonomiya ng rehiyon.

(BOY ANACTA)

213

Related posts

Leave a Comment