KOLEKSYON NG SURIGAO SUB-PORT LUMOBO

SURIGAO SUB-PORT

Positibong nalagpasan ng Bureau of Customs (BOC)-Bislig, ang isa sa mga sub-port of Surigao, ang kanilang month of September collection target.

Sa kanilang huling ulat, nakapagtala ang  BOC- Bislig ng P3,810,972.00 koleksyon para sa nasabing buwan mula  sa kanilang  target na P3,200,000.00 kung kaya’t nakapagtala ng positibong lagpas na P610,972.00 o katumbas ng P19.09%.

Matatandaan, noong Pebrero 6, 2019 sa isinagawang selebrasyon ng 117th Founding Anniversary, kasama ang BOC-Bislig sa nakatanggap ng dalawang plaques of recognition para sa kanilang magandang performance.

Ang BOC-Port of Surigao District Collector Ciriaco Ugay kasama ang personnel nito ay nakatanggap ng certificates of commendation para sa na­lagpasan nilang collection target para sa buwan ng Marso 2019 at para sa 1st quarter of CY 2019. (Joel  Amongo)

137

Related posts

Leave a Comment