ONLINE SEMINARS ON INTENSIFIED SMUGGLING PREVENTION TECHNIQUES ISINAGAWA NG BOC-NAIA

BILANG pagsunod sa direktiba ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. ­Guerrero sa pinatinding border protection, inilunsad ang ‘BOC-NAIA kicks off its “2021 Smuggling Prevention Techniques” seminar series’ upang mapabuti pa ang pagbabantay at kaalaman nila sa pandaigdigang pagtanggap ng kasanayan para maging epektibo ang border security sa bansa.

]Nagsimula ang sunod-sunod na virtual seminar ng port noong Enero 19 na may topic: “Profiling and Baggage Search Techniques in Passenger Area” kasunod ng “Intensified Border Protection Techniques in Warehouses” noong Enero 21.

Ang seminars ay dinaluhan ng mahigit sa 100 participants, at magpapatuloy sa buong taon at ang pag-uusapan ay ang border protection.

Ayon kay Collector Maritess Talusan, ang magkakasunod na virtual seminar ay bahagi ng BOC NAIA’s border protection plans at initiatives na tugma sa kanilang naabot noong 2020.

Karagdagan nito, ang pagsisikap noong nakaraang taon ay resulta ng pagkasabat at pagkakumpiska ng illegal goods na may tinatayang halagang Php 1.79 billion.

Ngayong taon ay lalo pang pinaigting ang anti-smuggling campaign, ang BOC-NAIA kasama ng PDEA at NAIA-IADIGT, ay matagumpay na naaresto ang claimants ng illegal drugs, ecstasy noong Enero 8; at Kush Hi-Grade Marijuana noong Enero 9.

Kaugnay nito, tiniyak ng BOC-NAIA ang kanilang pinalakas na border security sa mga pangunahing ­paliparan ng bansa.

Dahil dito, patuloy rin ang kanilang suporta sa inisyatiba ni Commissioner Guerrero na protektahan ang publiko laban sa ilegal, pinaghihigpitan, ipinagbabawal at mapanganib na kalakal. (Jo Calim)

51

Related posts

Leave a Comment