OP, PAOCC, BOC SANIB PWERSA SA PAGRESOLBA NG PROBLEMA SA BALIKBAYAN BOXES

ISANG makabuluhang hakbang ang ginawa ng Bureau of Customs (BOC) patungo sa pag-alalay sa Overseas Filipino Workers (OFWs) sa kanilang pinaghirapang balikbayan boxes, sa pamamagitan ng mga estratehiyang pakikipag-partner sa Office of the President (OP) via Office of the Executive Secretary (OES), at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

Sa pagpupulong na isinagawa noong Agosto 3, 2023, sa Malacañang Palace, si Acting Deputy Commissioner Michael Fermin ng Internal Administration Group, kasama ang key BOC officials, ay nakipagkita kina Executive Secretary Lucas P. Bersamin at Presidential Anti-Organized Crime Commission Undersecretary Gilberto DC Cruz para tugunan ang problema sa balikbayan boxes ng OFWs.

Ipinakita ni Acting Deputy Commissioner Fermin ang kongkretong aksyon ng BOC para suportahan ang OFWs at pabilisin ang pag-release ng kanilang pinakamahalagang balikbayan boxes.

Isa sa makabuluhang tagumpay na naka-highlight ay ang matagumpay na pag-release ng 36 containers ng abandonadong shipments, na binubuo ng 9,689 boxes.

Sa mga ito, 9,011 boxes ang naihatid sa mga may-ari nito, habang 678 boxes ang nananatiling hindi nakukuha dahil sa kakulangan ng impormasyon sa paghahatiran nito.

Ang BOC ay nananatili sa kanilang pangako sa pagresolba sa isyu at muling mapagsama-sama ang balikbayan boxes at mai-deliver sa tamang may-ari.

Upang labanan ang mga pasaway na aktibidad ng unscrupulous forwarders na nasasangkot sa balikbayan box scheme, ang BOC ay nakapagsampa na ng 11 criminal complaints sa mga gumagawa nito para mabigyan ng hustisya at pangalagaan ang interests ng OFWs.

Bukod dito, aktibo rin ang BOC sa pagsasapinal sa isang joint memorandum agreement sa PAOCC, Department of Foreign Affairs, Department of Trade and Industry, Department of Migrant

Workers (DMW), forwarders, at iba pang stakeholders.

Ang nabanggit na komprehensibong kasunduan ay kinabibilangan ng “streamline processes, enhance coordination, and fortify efforts” para sa pangangalaga sa kapakanan ng OFWs at kanilang balikba­yan boxes.

Kaugnay nito, bilang pagkilala sa kahalagahan na maimpormahan at ma­bigyan ng kapangyarihan ang OFW community, ang BOC ay pinatindi ang information campaign sa pamamagitan ng iba’t ibang media platforms. Karagdagan nito, ang bureau ay nakipagtulungan sa DMW kasama ang komprehensibong impormas­yon kaugnay sa balikbayan box importation sa training program ng ahensiya para sa OFWs.

Layunin ng inisyatibang ito na turuan ang OFWs kaugnay ng kanilang mga karapatan, responsibilidad at mga pamamaraan upang protektahan ang kanilang balikbayan boxes sa pagbibiyahe nito.

At ang BOC ay ginagawa ang proactive measures sa pamamagitan ng isang Customs Memorandum Order, na mandato ang pagrerehistro ng deconsolidators sa BOC.

Ang hakbang na ito, kasama ang pagbabayad ng performance bond na may halagang P2 milyon, ay para tiyakin na ang responsible parties ay may pananagutan sa paghawak ng balikbayan boxes at maipadala ito nang maingat sa may-ari o pinadadalhan.

(BOY ANACTA)

302

Related posts

Leave a Comment