Para protektahan local tobacco industries COMM. RUBIO DUMALO SA INT’L TOBACCO AGRICULTURAL SUMMIT

PALALAKASIN pa ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang kampanya upang labanan ang illicit tobacco trade, sa pamamagitan ng pagdalo sa International Tobacco Agricultural Summit ni Commissioner Bienvenido Rubio noong Agosto 3, 2023 sa Taguig City.

Binigyang-diin ni Commissioner Rubio ang pag-adapt sa digital at data-driven processes bilang isang mahalagang diskarte upang palakasin ang integ­ridad ng supply chain at tiyakin ang patas na kumpe­tisyon sa loob ng industriya ng tobacco.

Sa kanyang presentasyon, inihayag ni Commissioner Rubio ang kanyang pasasalamat sa oportunidad upang irepresenta ang BOC at tinalakay ang napakalaking potensiyal ng agricultural sector para makakalap ng kita para sa bansa sa isang mapagkumpitensyang lara­ngan. Sa ginawa niyang personal na pagkonekta sa industriya ng tobacco, ay nagalak ang Ilocos Region na ang kabuhayan ay ang pagtatanim ng tobacco, isang mahalagang sangkap para sa pag-unlad ng ekonomiya, sinabi ni Commissioner Rubio ang kahalagahan ng paksa at ang epekto rito ng BOC’s anti-smuggling efforts.

Sa presentasyon, ipinakita ni Commissioner Rubio ang kahanga-hangang record sa pagsabat sa smuggled goods.

Sa unang pitong buwan ng 2023 lamang, ang BOC ay nagsagawa ng 661 operations, na nagresulta ng pagkakasabat ng smuggled goods na tinata­yang nagkakahalaga ng P30.5 bilyon, ang pinakamataas na naitala sa nakaraang limang taon.

Partikular dito, ang 152 kaso na naisampa ng BOC hinggil sa pagkakasabat sa mga sigarilyo at tobacco pro­ducts na may halagang P1.89 bilyon sa parehong panahon.

Upang labanan ang illegal trade, ang BOC ay umaasa sa makabagong digital tools at data-driven processes. Si Commissioner Rubio ay piniling magbalangkas ng ilang mga hakbangin, kasama na ang paggamit ng ‘BOC X-Ray Inspection Project for non-intrusive inspections, patuloy na pagpapabuti ng BOC Risk Management System, pagdeploy ng water patrol assets, at mariing pagpapatupad ng Electronic Tracking of Containerized Cargo System (E-TRACC).’

Ang layunin ng mga hakbang na ito ay para ma-detect ang mga kontrabando at misdeclared goods, pigilan ang smuggling, at para sa ligtas ang galaw ng mga container.

Karagdagan sa technology-driven measures, ang BOC ay tiniyak din ang pakikipagtulungan sa national, regional, at international Law Enforcement Agencies and Regulatory Agencies para sa intelligence sharing at palitan ng impormasyon.

Kaugnay nito, buong pagmamalaking ibinahagi ni Commissioner Rubio ang BOC’s 5-Point Priority Program, na nakapokus sa ‘digitalizing customs processes, surpassing revenue collection targets, simplifying procedures, facilitating secure trade, curbing smuggling, and prioritizing the welfare of BOC employees.’

Sa closing remarks, mu­ling pinagtibay ni Commissioner Rubio ang pangako ng Bureau sa pagmamatyag at paglaban sa ilegal na kalakalan, pagprotekta sa hangganan ng bansa, at pagpapanatili bilang pinagkakatiwalaang partner sa mga negosyo at kalakalan.

(JOEL O. AMONGO)

124

Related posts

Leave a Comment