P323.59-M SMUGGLED CIGARETTES WINASAK NG BOC-ZAMBOANGA

WINASAK ng mga tauhan ng Bureau of Customs, Port of Zamboanga, ang 5,624 master cases at 1,171 reams ng nasabat at nakumpiskang smuggled ciga­rettes noong Nobyembre 30, 2023, sa isang customs-rented warehouse sa Brgy. Tetuan, Zamboanga City.

Ang subject cigarettes ay nagkakahalaga ng P323.59 million na nasabat sa magkakahiwalay na maritime patrol operations at customs checkpoints sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi, mula Mayo hanggang Nobyembre 2023.

Ang nasabing pagwasak ay pinangunahan ni Engr. Arthur G. Sevilla Jr., Acting District Collector ng Port of Zambo­anga, na sinaksihan naman ng partner agencies sa Bureau’s anti-smuggling campaign.

Kabilang sa mga nakiisa sa aktibidad ay ang local go­vernment unit, law enforcement agencies, kinatawan mula sa Commission on Audit, at iba pang concerned stakeholders.

Sinabi naman ni Acting District Collector Sevilla, ang pagsabat at pagwasak ng nabanggit na mga kontrabando ay pagsunod sa kautusan ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio para sa walang humpay na paglaban sa illegal na kalakalan ng tobacco sa bansa, sa close partnership sa law enforcement agencies, upang mapalakas ang Bureau’s anti-smuggling campaign.

Ang pagwasak sa mga sigarilyo ay sa pamamagitan ng paggamit ng tubig mula sa Bureau of Fire Protection, kasunod ng pagwasak sa pamamagitan ng payloader equipment, at saka itinapon sa sanitary landfill sa Brgy. Salaan.

Pinapurihan naman ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio si Acting District Collector Sevilla at ang kalalakihan at kababaihan ng Port of Zamboanga sa kanilang pagiging mapagmatyag na pumigil sa pagpasok ng illegal na sigarilyo sa bansa.

“The Bureau of Customs will be persistent in its relentless efforts in stopping the proliferation of unlawfully imported tobacco products in the country and safeguard the nation’s interests against smugglers” pahayag ni Rubio.

(JO CALIM)

149

Related posts

Leave a Comment