P805K HIGH-GRADE MARIJUANA NASABAT NG BOC-CLARK

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Port of Clark ang 488 gramo ng high-grade marijuana o kush, na tinatayang P805,200 ang halaga, na nakalagay sa isang parcel na idineklara bilang “replacement filter”, mula sa California, USA.

Ang nasabing parcel ay isinailalim sa x-ray scanning at K9 sniffing, kung saan nakitaan ng posibleng presensiya ng ipinagbabawal na droga.

Dahi dito, agad isinagawa ang physical examination naging dahilan para matuklasan ang pinatuyong dahon at fruiting tops na hinihinalang high-grade marijuana o kush.

Ang samples nito ay dinala at itinurn-over sa PDEA para sa chemical laboratory analysis at nakumpirma ang presensya ng marijuana, isang dangerous drug sa ilalim ng RA No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Isang Warrant of Seizure and Detention order ang inisyu laban sa subject shipment dahil sa paglabag sa Section 118 (g), 119 (d), at 1113 par. f, I, at l (3 and 4) ng RA No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) na may kaugnayan sa RA No. 9165.

Pinuri naman ni District Collector Austria ang kanyang mga tauhan sa patuloy na pagtupad sa mandato ng BOC para labanan ang paglaganap ng illegal drugs, lalo sa panahon ng holiday season, kung saan ang Port of Clark ay nananatiling matatag sa implementasyon ng mga hakbang para pangalagaan ang mga hangganan ng bansa.

Ang Bureau of Customs, sa patnubay ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio, ay nanumpa na mananatiling matatag sa kanilang kampanya laban sa illegal drugs smuggling, ayon sa direktiba ni President Ferdinand Marcos Jr.
“The Bureau of Customs pledges to prevent smuggling and protect the country’s borders and our citizens’ well-being against the dangers of illegal drugs,” pahayag ni Rubio.

(JOEL O. AMONGO)

135

Related posts

Leave a Comment