P37.37-B KINITA SA FUEL MARKING PROGRAM

UMAATIKABONG palakpakan ang dumagundong sa apat na sulok ng Bureau of Customs (BOC) dahil kumita ng P37.37 bilyon ang “fuel marking program” ng ahensiya para sa ikalawang kwarter ng taon.

Ang bilyun-bilyong rebenyu ay resulta ng 4.16 bilyong litro ng produktong petrolyo.

Idiniin ng BOC sa press statement nito na: “the Bureau of Customs (BOC) continuously implements its mandate to mark fully paid imported petroleum products under the Fuel Mar­king Program, a total of 4,157,638,726 liters of kerosene, diesel and gasoline were marked for the 2nd Quarter of 2021 equivalent to P37.37 billion in taxes collected”.

Nakasaad sa rekord na para ngayong taon, nakapagtala ang ahensiya ng 8.35 bilyong litro ng langis na ang halaga ay P74.72 bilyong buwis.

Ipinaliwanag ng ahensiya na ang “Fuel Marking Program aims to raise revenues while curbing fuel smuggling and le­veling the Philippine oil industry’s playing field”.

Isinusog ng BOC na: “Beginning with its implementation in September 2019 to June 2021, the BOC and BIR already marked a total of 25.91 billion liters of fuel and have collected P252.22 billion in duties and taxes under the program”.

Naniniwala si Commissioner Rey Leonardo Guerrero na magpapatuloy ito sa mga susunod na kwarter ng taon.

118

Related posts

Leave a Comment