PADALA DUMAGSA DAHIL SA TAX-FREE BALIKBAYAN BOXES; GUIDELINES NILINAW NG BOC

balikbayan box-2

MULING nilinaw ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang ipinalabas na guidelines kaugnay sa pagpapadala ng duty and tax free balikbayan boxes dahil na rin sa pagdagsa ng mga ito.

Ayon sa BOC, sa ilalim ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), ang nagbabalik residente – overseas filipino workers (OFWs) at iba pang Filipino na residente na sa abroad, sa pagbaba­lik nila sa Pilipinas ay pinapayagang magdala o magpadala ng duty and tax-free balikbayan boxes sa kanilang pamilya o kamag-anak.

Kasama sa pribilehiyong ito ang Qualified Filipinos While Abroad na OFWs na may valid passports na inisyu ng  Department of Foreign Affairs at certified ng Department of Labor and Employment (DOLE) o ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para sa overseas employment purposes.

Sakop din nito ang lahat ng Pinoy na nagtatrabaho sa ibang bansa na nasa ilalim ng employment contracts, anuman ang kanilang professions, skills o employment status.

Kabilang din ang Pinoy na nagtatrabaho sa abroad sa ilalim ng job contracts na hindi kailangan ang sertipikasyon mula sa DOLE at POEA.

Tinukoy din ng BOC, ang Filipinong residente o Filipino citizens na pansamantalang nakatira sa abroad na maaaring kasama sa pribelihiyo na may hawak ng student visa, investor’s visa, tourist visa at kapareho nitong visas na pinayagang mag-establisa ng temporary stay abroad.

Pinapayagang magpadala ng balikbayan boxes ng tatlong beses sa loob ng isang taon basta  ang halaga nito ay hindi lalagpas ng P150,000.00.

Sa ilalim ng Section 800 (g) ng CMTA, ang balikbayan boxes na naglalaman lamang ng personal at kagamitan sa bahay o damit, electronic gadgets, gamit sa kubeta (toiletries) ang pinapayagang libre sa buwis.

Ang goods na pambenta o ibebenta at pauupahan ay hindi sakop ng duty and tax-free balikbayan box.

(Joel O. Amongo)

182

Related posts

Leave a Comment