PILIPINAS PUMANGALAWA SA SEA NATIONS SA 2023 UN GLOBAL SURVEY

PUMANGALAWA ang Pilipinas sa ranking ng Southeast Asian (SEA) Nations sa 2023 United Nations UN Global Survey, na umakyat mula sa pangatlo noong 2021.

Ang nasabing naabot ng bansa sa ranking ay iniuugnay sa patuloy na progreso ng modernisasyon ng mga pro­seso sa kalakalan at tagumpay bilang world-class customs administration.

Ang survey na magkakasamang isinagawa ng iba’t ibang UN bodies, ay isang malalim na pagsusuri ng progreso sa mabilis na kalakalan sa bansa at nakatuon sa mga kahanga-hangang tagumpay sa pagpapaunlad ng kahusayan at pagtataguyod ng internasyunal na pakikipagtulungan.

Sa pinakabagong survey, ang naabot ng Pilipinas ay kahanga-hanga sa kabuuan ng Trade Facilitation score na 87.10%.

Mas mataas ito kung ikukumpara sa 2021 survey na nakapagtala ang bansa ng score na 86.02%.

Sa puntong ito, ang Pilipinas ay nagpakita ng matatag na pagpapabuti ng serbisyo, sumasalamin sa dedikasyon nito sa patuloy na progreso simula noong 2015.

Bukod sa Pilipinas na nakakuha ng score na ito para sa 2023, kasama nito sa 2nd ranking ang Malaysia at Indonesia, sa Southeast Asian region, kasunod ng Singapore na may score na 96.77%.

Isa sa mga susi na naka­tulong sa Pilipinas sa tagumpay sa global stage, ay ang aktibong partisipasyon ng Bureau of Customs sa regional and sub-regional initiatives.

Sa pamamagitan sa pagsali sa ‘Framework Agreement on Facilitation of Cross-border Paperless Trade in Asia and the Pacific (CPTA), at sa pagpapalawak ng ASEAN Single Window Agreement sa pamamagitan ng electronic exchange ng electronic Phytosanitary Certificate (e-Phyto), ang bansa ay patungo na sa seamless and paperless cross-border trade.

Ang inisyatibang ito na ‘inclusive and capacity-building intergovernmental platform,’ ay inilalatag ang pundasyon para sa Pilipinas patungo sa mas kaunting papel at kalaunan walang papel na kalakalan.

Sa 2023 UN Global Survey ay naging tampok ang Pilipinas sa dedikasyon sa implementasyon ng WTO Trade Facilitation Agreement sa pamamagitan ng Philippine Trade Facilitation Committee (PTFC). Ang bansa, sa pamamagitan ng BOC, ay naging maagap sa pagpapatibay ng umuusbong na regional and global measures, tulad ng CPTA, na nagsusulong ng paperless trade o e-trade.

Bukod dito, inirekomenda sa survey ang cutting-edge paperless and cross-border trade facilitation measures, pati na rin ang mga inisyatiba na ang layunin ay suportahan ang mas inklusibo at napa­panatiling kalakalan.

Ang BOC ay naging maagap sa pagbuo ng mga inobasyon at digital transformations sa pagpapalakas at pagsusulong ng “ease of doing business” para sa stakeholders.

“We take immense pride in the Philippines’ remarkable ascent to the second spot in the 2023 UN Global Survey on Digital and Sustainable Trade Facilitation. This accomplishment reflects our nation’s dedication to embracing technological advancements and creating a more sustainable and inclusive trade environment,” ani Commissioner Bienvenido Y. Rubio.

215

Related posts

Leave a Comment