SEC. BAUTISTA NG DOTr NAKIKIALAM SA USAPIN NG CLA?

IMBESTIGAHAN NATIN 
Ni JOEL O. AMONGO
LUMAGPAS na umano sa kapangyarihan itong si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista sa pag-uutos niya na iwasang si­ngilin ang container deposits mula sa mga broker?
Mas gusto raw kasi ng kalihim ay mag-subscribe na lamang sila sa Container Ledger Account (CLA).
Ayon sa ating source, ang kalihim (Bautista) ay hindi maaaring magbigay ng bisa ng isang order na nagpapatibay ng CLA “ultra vires”.
Ang Office of the Secretary (DOTr) ay mayroon lamang direct line supervision at kontrol sa regional offices ng kagawaran.
Sa pagbuo at pagpapatupad ng mga patakaran, plano, programa at proyekto ng departamento ang papel ng DoTr.
Nagpahayag din si Anti-Red Tape Authority (ARTA) chief Atty. Ernesto Perez na hindi sumasalamin ang CLA sa Regulatory Impact Assessment (RIA) nila.
Ang CLA ay hindi ipinapataw sa paraan ng regulasyon ng isang ahensya ng gobyerno tulad ng DOTr.
Subalit kung ang isang stakeholders ay maaa­ring ipakita na ang regulasyon ay ipinapataw ng isang ahensiya ng gobyerno (DOTr), kaya natin tanungin kung ito ay isinailalim sa isang RIA.
Sa kabilang banda naman, kung ito ay option lamang at ang shipping lines ay hindi required sa paggamit ng CLA, walang regulasyon sa pamamagitan ng DOTr na isailalim ito sa RIA.
Sinabi pa ng ating source na ang pinakamalapit na opisina ng gobyerno na may awtoridad sa shipping lines, ay ang Philippine Ports Authority (PPA) at Maritime Industry Authority (MARINA).
Nakatanggap pa tayo ng impormasyon na 20 shipping lines na ngayon ang mga naka-subscribe sa CLA, kasama na ang COSCO Shipping Lines (Phils) Inc., Sinotrans (Uni-ship), Hyundai
Merchant Marine (Philippines) Co. Inc., at Kyowa Shipping Lines (Skybest Logistics).
Kasama rin ang shipping lines na kasaluku­yang naka-subscribe sa CLA ay ang BLPL Singapore, CK Line, Concorde Container, Eagle Express Lines Inc. (RCL South Phils.), Federated Cargo Line,
Lancer Container, Macro Ocean Philippines Inc., MBF Carpenters, New Zealand Line, Oceanus Container, OOCL Philippines Inc., Samudera Shipping, Sarjak Container Lines, Southern Star
Agencia Maritima Inc. (Namsung Shipping), KMTC (Phils.) Corp., at RCL Feeders Phils. Inc.Karamihan sa mga subscriber ng CLA ay may close alliance sa Association of International Shipping Lines (AISL).
Kaya marami ang nagtataka kung bakit nakikialam itong si Sec. Bautista.
Bakit nga ba, Sec. Bautista, sir? Anong mayroon sa usapin na ‘yan? May kita ba riyan? Nagtatanong lang po.
Sinikap po natin kunan ng reaksyon si Sec. Bautista kaugnay sa akusasyong ito, subalit hindi natin siya mahanap.
oOo
Para sa sumbong at suhestiyon, maaaring mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o kaya mag-text sa cell# 0977-751-1840.
85

Related posts

Leave a Comment