MATAGUMPAY na naharang ng Bureau of Customs – Port of Subic, sa pakikipagtulungan ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at Department of Justice (DOJ), ang tangkang pagpuslit sa tinatayang P3.8 bilyong halaga ng umano’y shabu.
Ang operasyon ay isinagawa kasunod ng derogatory report mula sa Intelligence Group, na nagresulta sa pagkakasabat sa 530 packs na naglalaman ng methamphetamine.
Ang illegal substances ay nakalagay sa 1×40 container na orihinal na idineklarang naglalaman ng 881 bags ng animal feeds mula sa Thailand.
Kaugnay nito, noong Setyembre 21, 2023, ang nasabing port, sa pangunguna ni District Collector Ciriaco Ugay, ay nag-isyu ng pre-lodgment control order laban sa shipment at isinailalim sa X-ray scanning, na naglabas ng kahina-hinalang resulta.
Isinagawa ng mga tauhan ni Collector Ugay ang operasyon kasama ng mga kinatawang mula sa NBI, PDEA, DOJ, Subic Bay Metropolitan Authority, Customs Anti-Illegal Drug Task Force, at PDEA K9 Handlers.
Ang samples ng illegal drugs at agad ibinigay o ipinagkatiwala sa pangangalaga ng PDEA para sa chemical analysis. Ito ay nagresulta sa presensya ng methamphetamine, mas kilala bilang shabu, na itinatadhana bilang isang dangerous drug sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 9165.
Bilang pagtugon sa kinalabasan ng pagsusuri, si District Collector Ciriaco DG. Ugay ay nagpalabas ng Warrant of Seizure and Detention noong Setyembre 23, 2023, para sa mga paglabag sa Section 4 ng RA No. 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Sections 118 (g) at 119 (d) ng RA 10863 (CMTA), na may kaugnayan sa Section 1113 (f) o RA No. 10863, o Customs Modernization and Tariff Act.
“In this significant operation, law enforcement agencies successfully apprehended P3.6 billion worth of shabu, delivering a major blow to drug trafficking. The collaborative efforts of our dedicated teams, commencing with the BOC and CAIDTF, and notably the NBI and the PDEA, underscore our commitment to combating the illegal drug trade and safeguarding our communities,” ani Collector Ugay.
(JO CALIM)
