RIO TUBA PINAGMULTA SA NASABAT NA NIKEL

NANINDIGAN ang Bureau of Customs (BOC) na walang kinikilala ang kawanihan pagdating sa mandatong sa kanila ay nakaatang.

Patunay nito ang ipinataw na multa sa isang dambuhalang kumpanya sa likod ng nasabat na 25,000 metriko toneladang nickel ore sa baybaying bahagi ng Zambales kamakailan.

Pag-amin ng kumpanyang Rio Tuba Nickel Mining Corporation (RTNMC), nagbayad ang kumpanya ng P100,000 multa sa BOC kaugnay ng pagkakarga ng nickel ore sa MV Jin Yuan nang walang kaukulang permiso sa nasabing ahensya.

Sa ipinaskil na disclosure ng Nickel Asia Corp., kinumpirmang subsidiary nila ang RTNMC, kasabay ng pagtitiyak na isinasaayos na ng Rio Tuba ang sistema sa pagkarga at pagbiyahe ng nickel ore na kanilang minimina.

Paliwanag ng BOC, pwede lang ikarga ang mga ie-export na nickel ore sa barko sa sandaling hawak na ang “Autho­rity to Load” mula sa naturang ahensya.

Sa datos ng ASEAN Customs, pinakamalaking nickel ore supplier ng China ang Pilipinas, matapos ipagbawal ng Indonesia ang nickel ore export sa kanilang bansa.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), mayroong 34 aktibong minahan ng nickel sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sa naturang bilang, dalawa ang pag-aari ng Nickel Asia Corp.

209

Related posts

Leave a Comment