RUBIO BIGLANG DALAW SA NAIA

SA hangaring tiyakin ang kaayusan sa implementasyon ng mga batas at reglamentong kalakip ng kalakalan sa mga paliparan at pantalan, binisita kamakailan ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio ang tanggapan ng ahensya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Paglilinaw ni Rubio, nais lamang niyang siguraduhing nasa ayos ang pangangasiwa ng Port of NAIA, kasabay ng papuri kay BOC-NAIA District Collector Carmelita Talusan sa aniya’y repormang inilatag sa naturang distrito.

Bukod sa tanggapan ni Talusan, pinasadahan din ng BOC chief ang mga warehouse sa bisinidad ng pa­liparan. Kabilang sa mga binulaga ni Rubio ang Paircargo, Cargohaus, PAL/PSI, DHL, TMW, ECCF-Pair, CMEC, at NAIA Terminal 1.

Matapos ang paglilibot ni Rubio, ibinahagi naman ni Talusan ang mga datos na patunay ng maayos na pangangasiwa sa Port of NAIA – kabilang ang mga inilunsad na operasyon kontra smuggling, mga kinasang meka­nismong naglalayong palakasin pa ang tinaguriang ‘border protection, improved revenue collection, and enhanced trade facilitation measures.’

Lubos din ang paghanga ni Rubio sa Port of NAIA kaugnay ng agresibong kampanya ng pamahalaan laban sa modus pulis-droga  at maging sa maayos na prosesong nagbigay-daan para sa mabilis na paglabas ng mga bakuna kontra COVID-19 noong kasagsagan ng pandemya.

“Let us all continue to work hard and achieve the four overarching directives of President Ferdinand Marcos, Jr. – hit and surpass the revenue target, simplify and secure the facilitation of trade, curb smuggling of any form, and uplift the morale of the men and women of the Bureau of Customs,” ani Rubio kay Talusan.

“To Collector Talusan, the Deputy Collectors, and all personnel of this Port, this continuing challenge lies with you. I am confident that we can realize this goal with each and every one’s hard work, dedication, and cooperation,” dagdag pa niya.           (BOY ANACTA)

521

Related posts

Leave a Comment