Sa pagtatapos ng 2022 HALOS P1-TRILYON PUNTIRYA NG BOC

boc pera

Ni JOEL O. AMONGO

KUMBINSIDO ang pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) na higit pa sa itinakdang P733-bilyong target collection ang kanilang maitatala sa pagtatapos ng kasalukuyang taon.

Sa isang pulong-balitaang kamakailan, buong kumpiyansang sinabi ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz na aabot sa P968 bil­yon ang malilikom na pondo ng kawanihan sa puspusang implementasyon ng mga angkop na reglamentong kalakip ng dagsang kargamento sa nalalabing 75 araw ng taong 2022.

“We can definitely hit our target, we can exceed it by around 30 to 32 percent,” ani Ruiz sa panayam ng mga mamamahayag.

Sa pagtataya ng BOC chief, maglalaro sa pagitan ng P953B hanggang P968B ang papasok na pondo sa pinamumunuang ahensya sa pagsasara ng kasalukuyang taon.

Sa datos ng ahensya, lumalabas na papalo naman sa 48% ang inaasahang labis na ganansya ng BOC kum­para sa P646 bilyong nalikom noong nakalipas na taon.

Base sa impormasyon ng BOC Financial Service Office, halos matumbasan na ng kawanihan ang kabuuang target collection makaraang makapagtala ng P638.7B (katumbas ng 87% ng 2022 target collection) sa pagtatapos ng buwan ng Setyembre.

Sa nakalipas na 10 buwan, walang palya ang pagtatala ng BOC ng higit pa sa itinakdang monthly target collection.

Nang tanungin kung itataas ng BOC ang antas ng puntiryang target sa susunod na taon, tahasang sinabi ni Ruiz na wala pang direktiba sa kanyang tanggapan ang Department of Finance (DOF) na siyang nangangasiwa sa naturang kawanihan.

“As of now, no instructions yet to increase targets. Our meeting regarding that is with the DBCC (Development Budget Coordination Committee) by December,” aniya.

Para kay Ruiz, mala­king bentahe sa kanilang agresi­bong paglilikom ng kita ang mga inilatag na reporma, modernisasyon at ang sigasig, husay at katapatan ng mga kawani
“We have good policies being implemented, very business-friendly and very conducive for business,” dagdag pa niya. The President is directing us in the BOC to digitize our processes and to also provide a predictable and transparent working environment. For the business community, if you have a predictable and transparent Customs administration, then it’s very favorable to them.”

 

14

Related posts

Leave a Comment