‘SANGLA ATM SCHEME’ BAWAL SA BOC EMPLOYEES

ATM CARD-3

(Ni JO CALIM)

Ipinagbabawal na sa lahat ng mga empleyado ng Bureau of Customs (BOC) ang paghiram ng pera sa pamamagitan ng “Sangla ATM scheme”.

Ang nasabing scheme na pag-utang na gamit ang kanilang ATM cards o kola­teral sa loan ay ipinagbabawal sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon sa  BSP,  ang nasabing pamamaraan ng pag-utang ay isang “identity theft” na hindi awtorisado ang withdrawals at ito’y maituturing na  pang-aabuso sa lending practices.

Dahil dito,  mahigpit na pinayuhan ang mga em­pleyado ng BOC na mang­hiram na lamang mula sa lehitimong financial institutions.

Nabatid na marami sa kasalukuyan ang guma­gawa ng ‘Sangla ATM’ sa iba’t ibang opisina ng gobyerno maging sa mga pribado kapag kinakapos sila ng budget.

Ibinibigay umano ang kanilang ATM sa mga tao na nagpapautang at pagdating ng kanilang sweldo ay ang nagpapautang ang kukuha ng bayad sa bangko  gamit ang nasabing card.

Ang ganitong  sistema ay ipinagbabawal ng BSP dahil  ang pag-withdraw ng pera gamit ang ATM card ng ibang tao ay ilegal.

100

Related posts

Leave a Comment