TARGET COLLECTION NG PORT OF SUBIC TIYAK NA HIHIGITAN

SUBIC PORT

Inaasahan na ng Port of Subic na mahihigitan nito ang buong rebenyu nito sa huling kwarter ng taon dahil umangat sa double-digit ang nakolektang buwis nitong Oktubre at Nobyembre.

Ngayong Disyembre, P1.888 bilyon ang target collection ng Port of Subic.

Naniniwala ang pamunuan ng port na mahihigitan pa ito dahil sa tuluy-tuloy na pagtaas ng koleksiyon ng buwis at duties sa mga nakalipas na buwan.

Isinaad sa press statement nito na ang Subic Port ay nakakolekta ng P2.182 bilyong import duties at buwis noong Oktubre.

Nahigitan nito ang P2.095 bilyong target na kita para sa nasabing buwan nang 4.19% o eksaktong P87.733 milyon lampas sa itinakdang target.

Nitong Nobyembre naman, umabot sa P2.347 bilyon ang kinita ng port mula sa import shipments.

Tinalo nito ang lahat ng rekord ng nakolektang buwis ng Port of Subic, sapagkat idinidiin ng datos na ito, na ito na ang pinakamataas sa kasaysayan ng pangongolekta ng buwis ng nasabing port.

Batay sa istadistika, sumobra ng P265.429 milyon o 12.75% ito kung ihahambing sa target ng nasabing buwan.

Kapansin-pansin na ang nasabing malaking koleksiyon ng Subic na ikatlong pagkakataon na ito na magkakasunod ang matataas na koleksiyon ng buwis bawat buwan para sa taong kasalukuyan.

Noong Setyembre, umabot sa P2.188 bilyon ang nakolekta, samantalang ang tudla ay P2.096 bilyon.

Kaya, lumampas ito ng P93 milyon.

Mismong istadistika ang magpapatunay na ang tuluy-tuloy ang “all-time high historical collection” ng Port of Subic simula nang maging district collector nito ang batang abogadang si Ma. Rhea M. Gregorio.

Ayon kay Gregorio, “Port of Subic remains committed in its drive to collect revenues.”

Idiniin din niya na ang Subic Port ay “vigilant in its efforts to prevent smuggling and the commission of fraudulent and illegal acts.”

Naniniwala si Gregorio na “the positive performance of the port in ensuring that proper and correct duties and taxes are assessed and collected from import shipments is essential in meeting the collection target.”

Isa ring batayan sa patuloy na paglaki ng koleksiyon ng port ang implementasyon ng tax reform law na nagtakda ng umento sa excise tax ng mga produktong petrolyo at mataas na exchange rate, susog ni Gregorio.

Isa sa mga nakatulong nang malaki sa paglobo ng koleksiyon ng duties at buwis ng Subic Port ay ang dagdag na buwis sa mga produktong petrolyo.

Malaki ang kinikita ng pamahalaan dito, lalo pa’t umaangkat ang bansa ng langis mula sa ibang bansa.

Kahit patuloy na tumataas ang koleksiyon ng Port of Subic, tiniyak ni District Collector Gregorio na hindi magpapatumpik-tumpik ang nasabing port upang matiyak na makokolekta nito ang target collection na P1.888 bilyon ngayong Disyembre.

Inaasahan ng pamunuan ng Port of Subic na malalampasan ang nasabing tudla dahil na rin sa ‘di maawat na paglobo ng koleksiyon nito sa mga nakalipas na buwan.

5

Related posts

Leave a Comment