Pinalalim pa ang namamagitang ugnayan sa pagitan ng Bureau of Customs (BOC) at ASEAN Member States kaalinsunod ito sa idinaos na tatlong araw na 23rd ASEAN Single Window Steering Committee (ASWSC) meeting noong Setyembre 10 hanggang 12 sa Clark, Pampanga.
Si Port of Clark ni District Collector Atty. Ruby Claudia Alameda ang nagbigay ng welcome message sa naturang pagtitipon na dinaluhan ng ASEAN Member-States habang nagsilbing presiding officer si Department of Finance Undersecretary Gil Beltran, tumatayong Chairman ng ASWSC.
Ang ASEAN Single Window ay isang digital platform na kung saan layon nitong gawing mas madali at simple na ang ‘customs clearance of movement’ para sa kalakal upang sa gayon makukuha ang sinisikap na ‘trade efficiency and industrial competitiveness’.
Nauna nang nagpatupad ng mga pagbabago ang BOC sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero.
Kabilang ito sa ‘10-Point Priority Program” tulad ng computerization sa lahat ng proseso sa nasabing ahensiya.
Bahagi pa rin ng mga ipinatupad na pagbabago ang nangyaring pagbalasa sa mga kawani ng BOC upang bigyang daan ang paglilinis ng ahensiya mula sa tiwaling kawani nito.
Magugunitang may mga empleyado nang sinampahan ng kaso dahil sa paniniwalang sangkot sa iligal na gawain sa customs. (Boy Anacta)
161