UTOS NG BOC CHIEF LALONG MAGPAPALALA NG KORAPSIYON

Sayang ang magandang simula ni Commissioner Leonardo Guerrero sa Bureau of Customs (BOC) dahil sa pagpapalabas ng umano’y maling kautusan na tila ginawang panginoon ng Aduana ang Deputy Commissioner for Intelligence dahil sa lakas ng kapangyarihan na ibinigay dito bunsod ng pagpapatupad ng umano’y sablay na Customs Memorandum Order#24-2018.

Ayon sa naturang kautusan, isinailalim sa “control and supervision” ng Deputy Commissioner for Intelligence ang Risk Management Office (RMO), Accounts Management Office (AMO) at X-RAY Inspection Project (XIP). Ngunit ayon sa mapagkakatiwalaang source ng Newsblast Insight Team (NIT), ito ay hindi alinsunod sa principle of “check and balance” at bagkus ay muling pag “centralize” ng poder sa iisang tao at tanggapan lamang.

Dahil sa sablay umanong CMO#24, sumbong pa ng source ng NIT na tumangging magpabanggit ng pangalan, ay consolidated na sa Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) mula sa pangangalap ng “intel/derogatory report”, pag-alerto sa kargamento, imbestigasyon, “assessment and evaluation”, pag monitor sa x-ray at enforcement o panghuhuli ng mga suspected smuggled o di kaya undervalued na mga kargamento.

Tila ginawa umanong inutil ng naturang kautusan ni Guerrero ang lahat ng ahensya sa Aduana, maliban sa paborito nitong Deputy ng Intelligence na si Ramiro, ayon pa sa NIT source. Kaya malakas umano ang usap-usapan sa customs na “centralized” na rin umano ang transaksyon at koleksyon ng tara para kontrolado umano ng mga bagong opisyal ang magiging kalakaran ng hatagan sa bureau, dagdag na sumbong nito.

Matatandaan umanong sa nakalipas ng dalawang pamunuan sa Customs sa ilalim ng mga nasibak na sina Nicanor Faeldon at Isidro Lapena, ang mga pinalusot na umano’y drugs shipments ay dahil sa kawalan ng intelligence ng mga taga-customs intelligence unit, na sa halip na sana ay nagtatrabaho ay naging abala umano sa pangangalap ng ibang uri ng intelligence na mas kilala sa tawag na “intelihensya”, pahayag pa ng source sa NIT.

8

Related posts

Leave a Comment