IS NAHAGIP SA MONITOR NG EAT BULAGA

TRENDING ang picture ng Dabarkads Eat Bulaga hosts sa social media na pinost ng GMA news reporter na si Mariz Umali.

Isang mapanuring mata ng netizen ang nakahagip sa picture na nasa TV screen nila ang It’s Showtime ng Kapamilya. Hindi nakaligtas sa netizen ang noontime program ng ABS-CBN na katapat ng programa ng Eat Bulaga. Makikita roon ang isa sa mga kalahok sa isang patimpalak sa It’s Showtime at nakalagay rin ang A2Z sa monitor.

Kasama ni GMA reporter Mariz Umali ang mga host ng EB na sina Miles Ocampo, Paolo Ballesteros, Jose Manalo, Maja Salvador, Ryzza Mae Dizon at Maine Mendoza sa larawan na pinost niya sa kanyang Instagram account.

Nilagyan niya ito ng caption, “an exceptionally wonderful afternoon with the @eatbulaga1979 dabarkads @pochoy_29 @mainedcm @allan_klownz @maja @josemanaloupdates @ryzzamaedizon_ @ryan_agoncillo @milesocampo Thank you EB for guesting in your #DancingKween segment.”

Ang nasabing segment ay grand finals nitong Sabado, July 16 kung saan umpisa naman ng pagsasanib-pwersa ng Tropang LOL (dating Lunch Out Loud) at ng It’s Showtime sa TV5.

520

Related posts

Leave a Comment