ISIS-EAST ASIA SPOKESPERSON NAPATAY NG MILITAR

NAPATAY ng mga tauhan ng Western Mindanao Command Joint Task Force Central ang spokesperson ng Islamic State of Iraq and Syria-East Asia (ISIS-EA) at tumatayong financier ng teroristang grupo sa Pilipinas, kasunod ng isinagawang joint operation sa Maguindanao, kamakalawa ng hapon.

Ayon sa ulat na ibinahagi ni AFP WESTMINCOM commander, Lt. Gen. Alfredo del Rosario, isang intelligence driven operation ang inilunsad ng pinagsanib na pwersa ng 601st Infantry Brigade, 40th Infantry Battalion, at military intelligence units sa Crossing Salbo, Barangay Poblacion, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao na nagresulta sa pagkakapatay kay Abdulfatah Omar Alimuden, alyas “Abu Huzaifah”.

Ayon kay Maj. Andrew Linao, tagapagsalita ng WESMINCOM, malaking dagok sa teroristang grupo ang pagkakapatay ng militar sa ISIS-EA spokesperson dahil ito rin ang nangangasiwa sa financial transactions ng Daulah Islamiyah-Philippines sa ISIS Central. (JESSE KABEL)

205

Related posts

Leave a Comment