3 BAGONG KASO NG BA.5 VARIANT NAITALA NG DOH

covid

NATUKOY ang tatlong kaso ng COVID-19 Omicron BA.5 subvariant sa huling genome sequencing dahilan para umabot na sa lima ang kabuuang kaso, ayon sa Department of Health (DOH).

Mula sa Calabarzon ang dalawa sa mga pasyente habang ang lokasyon ng ibang kaso ay biniberipika pa, ani Health Usec Maria Rosario Vergeire.

Ang pasyente na tinutukoy pa ang lokasyon ay fully vaccinated habang ang isa pang mula sa Calabarzon ay unvaccinated. Bineberipika pa ang estado ng isa pang pasyente.

Ang mga ito ay itinuring nang recovered ngunit tinitingnan pa rin ng DOH ang sintomas na kanilang naranasan at kanilang close contacts.

Samantala, pito pang kaso ng BA.2.12.1 ang natukoy rin sa huling genome sequencing na isinalang mula sa 190 samples noong June 6, sabi ni Vergeire.

Aniya, sa kabuuang samples, 114 o 60 porsyento ng Omicron, 14 o 7.4 porsyento ang Delta, isa ang may ibang lineages at 61 ang walang lineage. (RENE CRISOSTOMO)

155

Related posts

Leave a Comment