ISKO, NAGHATID NG ₱117.5-M SUBSIDIYA SA PLM

PERSONAL na pinangunahan ni Mayor Isko Moreno-Domagoso ang paghahatid ng ₱117.5 milyon subsidiya sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) nitong Enero 23.

Ayon sa City Hall, bahagi ito ng agarang hakbang para patatagin ang pananalapi ng unibersidad at maiwasan ang pagkaantala ng operasyon. Saklaw ng pondo ang dalawang dating hindi nabayarang subsidy period mula pa sa nakaraang administrasyon.

Gayunman, nananatili pang ₱223.75 milyon ang kabuuang hindi nababayarang subsidiya ng PLM, batay sa city finance office.

“Bago ako naging mayor, ₱250 milyon ang subsidy. Itinaas natin sa ₱360 milyon. Binaba nila at hindi pa binigay. Ngayon, ibinabalik natin,” ani Moreno.

Tiniyak ng alkalde na prayoridad ang pagbabayad sa mga naiwang obligasyon at ang pagbabalik ng regular at sapat na pondo sa PLM.

(JOCELYN DOMENDEN)

62

Related posts

Leave a Comment