ITF WOMEN’S FUTURE LEG LL PINAY TEEN SENASATION EALA UMATRAS DAHIL SA COVID-19

MINABUTI ni Filipino teen tennis sensation Alex Eala na huwag nang sumabak sa ITF Women’s Future Leg ll sa Monastir, Tunisia bunga ng corona virus scare.
Ipinaabot sa pamamagitan ng RP2 ni Michael Eala, ama ni Alex, ang pag-atras ng 14-anyos na scholar ng Rafa Nadal Academy sa nasabing torneo.

Nakatakda sanang harapin ni Alex sa first round ang 23-anyos qualifier na si Tea Jandric ng Croatia, subalit inatasan ng Academy ang lahat ng player at coach na bumalik na lamang sa Mallorca upang maiwasan ang airport lockdown sanhi ng covid-19 pandemic.

Si Eala, wagi sa girls doubles event ng Australian Open kapartner si Priska Nugruho ng Indonesia noong Enero ay nakatakdang bumiyahe mula sa Tunisia kahapon ng hapon via Frankfurt, Germany para sa kanyang connecting flight sa Mallorca.

Noong nakaraang linggo, iniskor ni Eala ang una niyang panalo bilang pro player sa opening leg ng Monastir tournament, kung saan tinalo niya si Nadia Echevarria Alam sa three sets, pero bigong makalusot sa quarters. (VTR)

195

Related posts

Leave a Comment