ITINUROK NA BAKUNA SA QC, HALOS 3M NA

PUMALO na sa halos 3 milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 ang naiturok ng Quezon City government magmula nang simulan nito ang pagbabakuna sa kanilang mga residente noong buwan ng Marso.

Batay sa pinakahuling datos, 2,985,344 doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok ng lungsod sa ilalim ng programang Quezon City ProtekTODO Vaccination Program sa tulong ng mga healthcare workers, staff at volunteers.

Pagmamalaki pa ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, lagpas pa sa kanilang 1.7 milyong target adult population ang kanilang nabakunahan. Sa impormasyong ibinahagi ng alkalde, 1,754,334 milyon o 103.20% ng 1.7-milyong target adult population ang nabakunahan na ng first dose.

Nasa 1,231,010 o 76.64% naman ang fully vaccinated makaraang maturukan ng kanilang second dose.
Sa kabuuan, nasa  1,324,740 million o 77.93% ng target adult population ang maituturing na fully-vaccinated, kabilang na ang bilang ng mga naturukan ng single-dose vaccine na Janssen.

Patuloy pa rin ang paghihikayat ni Belmonte sa mga residente ng lungsod na magparehistro sa QC Vax Easy para sa kanilang proteksyong bakuna.

Giit pa ng alkalde, nasa 90.9% o 140,286 na ang gumaling mula sa #COVID19PH sa Quezon City.

Ayon sa QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), 12,635 sa 1541314 kabuuang tala ng mga nagpositibo sa lungsod ang ang kumpirmadong active cases. Pagtitiyak ng CESU, dumadaan sa validation ang mga datos sa mga health center at barangay para masigurong sila ay residente ng QC.

Samantala, 48,554 naman ang napag-alamang lumabag ng quarantine guidelines sa unang apat na araw ng pagpapatupad ng granular lockdown sa Metro Manila. Sa nasabing bilang, 16,007 ang pinatawan ng multa. (LILY REYES)

167

Related posts

Leave a Comment