NAGKAROON ng hilig si Jake Cuenca sa aso mula nang naging kasintahan si Kylie Verzosa.
Ayon sa aktor, masaya siya sa tuwing nakakalaro ang mga alagang aso ni Kylie. Ngayon ay mayroon na ring sariling mga aso si Jake.
“It’s more fun. Ako I love those dogs. Hindi ko naisip na magkakaaso ako ever. I was not a dog person.
But now I can’t get enough of them. It’s my thing now,” nakangiting pahayag ni Jake.
Masayang-masaya ang aktor sa relasyon nila ng beauty queen. Noong isang linggo ay magkasamang ipinagdiwang ng magkasintahan ang kaarawan ni Kylie sa Thailand. Sa ngayon ay hindi pa raw napag-uusapan ng dalawa ang tungkol sa pagpapakasal.
“No, no pressure and we’re not rushing. It’s just the start of her career and I want her to enjoy that. More than anything, my biggest wish for her is for her dreams to come true, for her to reach her dreams and we’re both doing it together and we’re helping each other out. So parang tinutulungan namin ang isa’t isa to make our dreams come true together. So for now our goals are for ourselves. More for her, because she just started her career,” paliwanag ng aktor.
Samantala, maayos daw ang pakikitungo ni Jake sa kanyang mga naging kasintahan noon.
Para sa aktor ay mabuti nang manatili ang pagiging magkaibigan nila ng mga dating nobya.
“Well maybe just time like anything, time will cure anything. Ever since naman ako, hindi naman ako ma-pride na tao. So kung alam kong mali ako I will always be the one to approach and say sorry or say hi.
And at the same time, ‘yung mas nangingibabaw sa akin is to always be a gentleman. That’s how my parents raised me. So if I see an ex or whatever, kahit masama pa ‘yung feelings niya towards me, I’d still be the one to say hi.
Kasi there’s history there, may history. May in-invest din ‘yung tao sa ‘yo.
So for me I’d like to be cordial no matter what. Keep it classy,” makahulugang pahayag ng binata.
234 