JAMILLA OBISPO SUPER HOT MAMA

PAMILYAR  sa netizens si Jamilla Obispo,  ang PBB Teen housemate 2006 kung saan ang naging grand housemate ay si Kim Chiu. Na feature rin ang beauty niya sa men’s magazine na FHM kung saan lagi siyang nasa top 100 sexiest.

Naging mailap ang kasikatan kay Jamilla hanggang sa magkaroon siya ng pamilya at mga anak na ngayon ay 17 years old na ang panganay at 7 years old  naman ang bunso. At nang mabigyan ng second chance sa showbiz grab na agad  ang byuti ni Jamilla kahit pa may pagka-daring ang kanyang karakter at mother role.

Sa latest project ni Jamilla na “Wag Mong Agawin Ang Akin” ay lumaban nang sabayan sa paseksihan ang byuti niya sa lead sexy actress ng naturang serye, si Angeli Khang.

Si Jamilla lang naman ang nanay ni Angeli sa serye na ipalalabas na starting July 31, 2022  with fresh episodes every Sunday sa Vivamax at naging mahigpit silang naging magkaribal sa iisang lalaki na ginampanan naman ni Felix Roco.

“I’m really thankful na nabigyan ako ng Viva ng another chance sa career ko at magaganda pa ang projects that they’re giving me.

Now lang nagbu-bloom nang husto at ngayon lang umaangat ang career ko. There was a time, naisip ko to give up na, kasi wala naman akong projects, pero ‘yung iba, meron, and I felt so sad.”   Ano  naman kaya ang say ng kanyang mga anak sa pagbabalik-sexy?

“My eldest son is now 17, and I have a 7-year old boy. They both understand that their has to work, kasi I’m a single mom.
Let’s face the reality na kailangan kong mag-work for their own benefit,”  wika pa ng aktres.

1059

Related posts

Leave a Comment