JAY SONZA INISNAB ANG NBI

HINDI sumipot si dating broadcaster Jay Sonza sa patawag ng National Bureau of Investigation (NBI) para magbigay ng kanyang paliwanag kaugnay sa inihaing reklamong cyber libel ng aktres na si Julia Barretto.

Ayon sa NBI Cybercrime Division, pinadalhan nila ang dating broadcaster ng subpoena para ibigay ang kanyang panig pero inisnab nito ang imbitasyon.

Blangko rin ang abogado nito at wala rin anomang uri ng komunikasyon na ipinadala sa nasabing ahensiya.

Gayunman, tuloy pa rin ang imbestigasyon ng NBI sa reklamo ni Barretto na dumulog sa ahensya matapos ang social media post ni Sonza na sinasabing nabuntis siya ng aktor na si Gerald Anderson.

Sinabi ng NBI na maaari pa rin naman magprisinta ng kanyang panig si Sonza sa oras na irekomenda ang pagsasampa ng kaso sa prosecutor’s office.

Matatandaan na sinabi ni Sonza sa kanyang post na binabati nito ang aktres at si Gerald Anderson dahil “may nabuo” umano sa sinapupunan ng aktres habang magkasama sa lockdown na tinawag niyang “ESQ (extra sex quadrant)”.

Humingi naman umano ng paumahin si Sonza pero sinabi nito na itatabi muna niya ang kanyang regalo sa kanyang kapitbahay. (RENE CRISOSTOMO)

109

Related posts

Leave a Comment