JENNICA MISTULANG NABUDOL SA MUSHROOM

NAWINDANG si Jennica Garcia sa mushroom na binili niya sa isang grocery para gawing soup. Nang isasahog na kasi niya ang mushroom, laking dismaya ng aktres dahil halos walang lamang mushroom ang lalagyan taliwas sa label nito. Aniya, ang dami raw sa picture ng produkto , pero sa loob halos walang mushroom na nakalagay as in kokonti raw talaga. Ibinahagi ni Jennica sa kanyang Instagram ang pagkadismaya sa mushroom soup experience.

Magkagayunman, niluto pa rin niya ito at in-imagine na lang daw niya na may nakalutang siyang nakikita sa soup. In fairness naman daw nang maluto ang mushroom soup ay nalasahan naman daw  ang mushroom. Nakuntento na rin daw siya sa lasa.

Kaya ang assessment niya sa mushroom soup ay “Yung bumili ka ng mushroom soup sa grocery… Sa picture ang daming po buong mushroom, pero nu’ng niluto mo wala naman po. Pero bigay po natin sa brand na lasang mushroom naman po talaga. Hindi n’yo nga lang po makikita. Bale imagine lang natin na may mushroom po.”

O ‘di ba kahit nadismaya ang aktres sa kakapiranggot na mushroom na nakalagay sa label maganda pa rin ang kanyang reaksyon.

Bottomline ay ayaw niyang siraan ang produkto.

200

Related posts

Leave a Comment