JOBLESS PINATAY SA SAKSAK SA MAYNILA

AGAD nalagutan ng hininga ang isang 44-anyos na jobless matapos pagsasaksakin sa panulukan ng J Marzan at J Fajardo Street, Sampaloc, Manila, Martes ng umaga.

Ang biktima ay si Romulo Ferraro, alyas “Oneng”, ng Barangay 447 Zone 44 Sampaloc. Nakatakas naman ang suspek na si Ramil Tuazon, 37, alyas Boy Negro, Muslim at Ismael, ng Barangay Poblacion, Candelaria, Quezon Province.

Sa ulat ni Det. Derick Magpale kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang 10:30 ng umaga nang atakihin ng suspek ang biktima.

Sa imbestigasyon ni Det. Magpale, posibleng napagtripan ng salarin ang biktima.

(RENE CRISOSTOMO)

14

Related posts

Leave a Comment