LUMAGDA ang bagong talagang Philippine Army 9th Infantry Division commander at Philippine National Police-Bicol PNP chief sa binalangkas na Joint Security Plan for a Secure 2022 Polls napinangungunahan ng Commission on Election (Comelec).
Ayon kay PNP-Police Regional Police Office 5 director, P/BGen. Jonnel C. Estomo at bagong 9th ID commander, Maj. General Alex Luna, opisyal nang inaktibo ang Regional Joint Security Control Center (RJSCC) sa Bicol bilang paghahanda sa nalalapit na 2022 national and local Elections.
Sa pangunguna ng Comelec, tinalakay sa kauna-unahang coordinating conference ng RJSCC ang hinggil sa kahaharaping mga aktibidad, at timeline ng eleksyon, partikular ang Army at PNP’s security preparations.
Dumalo sa nasabing pagpupulong na ginanap sa Comelec Regional Office V, Regional Government Center sa Rawis, Legazpi City, sina Atty. Rafael Olaño, Regional Election Officer; MGen. Alex DC Luna, PA, commander, Joint Task Force Bicolandia (JTFB); P/BGen. Jonnel C. Estomo, Regional Director, Police Regional Office 5 (PRO-5); at Commodore Giovanni Bergantin, commander, Coast Guard District Bicol.
Nagkaisa ang AFP at PNP na kasabay ng pagsisimula ng election period sa Enero 9, 2022 ay hudyat na rin para sa pagsisimula ng paglalagay ng Comelec checkpoints at pagpapairal sa total gun ban.
Tampok sa nasabing meeting ang paglagda sa Joint Security Plan at tiyakin na magiging secure, accurate, safe and fair ang gaganaping May 2022 polls. (JESSE KABEL)
783
