JOURNALISTS SAFE NA SA PILIPINAS

HINDI na kasama sa unang limang mga bansa na peligroso para sa mga mamamahayag ang Pilipinas.

Ito ang iniulat ng Presidential Task Force on Media Security batay na rin sa report na inilabas ng Committee to Protect Journalists.

Sinabi ni PTFoMS Executive Director Joel Egco, nakatutuwa ang naturang development at hindi aniya sila titigil sa kanilang target na makawala na sa top 10 list ang Pilipinas.

Aniya, Welcome development ito at isang malaking patunay na nagbubunga ang pagsisikap ng pamahalaan sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon na patuloy na mabantayan ang press freedom at maprotektahan ang seguridad ng media workers sa bansa sa kabila ng maraming hamong kimakaharap.

Base sa deklarasyon ng nasabing global media watchdog, Pilipinas ang biggest mover sa taong ito matapos na bumaba sa labing isa ang unsolved murders para 10-year index period.

Lubhang napakababa aniya nito sa 41 nuong nakaraang taon.

Kaugnay nito’y lilinawin din nila ang 11 unsolved cases na nasa talaan ng Committee to Protect Journalists dahil karamihan dito ay dumaraan na sa kaukulang paglilitis.

Una nang nakabilang sa top five worst countries for journalists ang Pilipinas.

 

Hatol sa Maguindanao massacre

Para naman sa dating mamamahayag na si Rep. Nina Taduran ng ACT-CIS party-list, malaking tulong ang hatol ng Quezon City Regional Trial Court sa mga suspek sa Maguindanao massacre sa pagbuti ng lagay ng Pilipinas sa listahan ng mga bansa na delikado sa mga mamamahayag.

“Malaki ang naitulong ng desisyon ng Quezon City Regional Trial Court noong isang taon laban sa mga suspek sa pagpaslang sa 58 katao sa Maguindanao kasama na ang 32 mamamahayag,” ani Taduran.

Ayon sa mambabatas, magandang sensyales ang Global Impunity Index (GII) report na ito para gumanda ang imahe ng Pilipinas sa mata ng mundo pagdating sa kaligtasan ng mga mamamahayag.

“We should not rest on this achievement. There are still journalists who die while performing their duties or abused by so-called influential people,” ayon pa kay Taduran na siyang may-akda ng Media Workers Welfare Act na nakapasa na sa Kamara at inaantay na lamang ang bersyon ng Senado para maging batas ito. (CHRISTIAN DALE/BERNARD TAGUINOD)

179

Related posts

Leave a Comment