JUDAY KABADO SA ROLE BILANG MOTHER LILY

(NI BOY ABUNDA)

NGAYON pa lamang ay nakararamdam na ng kaba si Judy Ann Santos dahil ang aktres ang napiling gumanap bilang si Mother Lily Monteverde sa biographical film ng movie producer. Nakatakdang gawin ng Young Superstar ang pelikula sa susunod na taon.

“’Yon ‘yung nakaplano sa akin for next year. Focus on one movie at a time simply because ang unang pelikulang gagawin ko for 2020 is a biopic of  Mother Lily. So kailangan ko talaga siyang aralin. Kasi my God, si Mother Lily ‘yon, haligi siya ng buong industriya natin. Hindi ko siya pwedeng barubalin, ‘yung character na ‘yon,” nakangiting pahayag ni Judy Ann.

Malaki ang utang na loob ng aktres kay Mother Lily dahil Regal Films din ang gumawa ng blockbuster movie nina Juday at Gladys Reyes na Sana Naman noong 1996. “Utang na loob ko ang meron ako ngayon dahil kay Mother Lily.

So para i-hand pick niya ako, hindi ko rin naintindihan. Kinabahan din ako, but I can’t say no because I love her and if she feels that I am the perfect person to play her, maybe she sees something that I don’t. I have full trust in Erik Matti. A trust in Mother Lily, in Dondon (Santos). I know iga-guide nila ako rito. I know it’s going to be fun, and it’s going to be hard kasi maraming magiging judgmental kasi it’s a biopic. It’s my first time to do a biopic. It’s going to be very critical because everybody knows Mother Lily. She’s a character, how she talks, how she walks, how she gets mad, paano siya magbihis, paano siya maging masaya, paano siya ma-bad trip, paano siya mambato. So hindi ko siya pwedeng hindi aralin. So I guess ‘yon ang challenge ng universe sa akin,” paglalahad niya.

Samantala, sobrang excited na ni Juday na magbakasyon kasama ang buong pamilya ngayong Kapaskuhan. Marami kasing napuntahan ang aktres at asawang si Ryan Agoncillo ngayong taon na hindi nakasama ang tatlong anak na sina Yohan, Lucho at Luna. “Gusto ko talaga. Ang dami kong alis tapos hindi ko sila maisama dahil may pasok sila. Gusto ko talagang ibigay sa kanila ‘yon kasi December lang ‘yung magkikita-kita ‘yung schedules namin eh. Naghihintay na lang kami ng go signal,” pagtatapos ng aktres. With reports from J.C.C.   

 

245

Related posts

Leave a Comment