JUSTICES

HOPE ni GUILLER VALENCIA

SA Old Testaments of the Bible, maraming stories about injustices sa kanilang komunidad. Sounds familiar dito sa bansang Pilipinas (sabi nila bansang pilipit na) na may nagaganap din noon at ngayon na injustices. Halimbawa, biktima ng Martial Law, Duterte drug wars, land grabbing at iba pa. Isama na natin ang mga biktima ng baha, dahil dapat ang pera ay ginamit para mapigilan ang pagbaha sa iba’t ibang panig ng bansa. Bagkus walang habas na ninakaw ang pera na nakalaan sa flood control para makaiwas sa sakuna ang mga tao. Malaking injustice ito sa mamamayan!

Injustices na nagaganap din sa mga husgado, sabi nga, sa Pinas may justice ang mayayaman, kapag sa mahihirap ay just-tiis na lang. Kabahagi nito ang ating korte at mga hukom (ngunit hindi lahat). Kaya sabi ni Erap, “hoodlum in robes”.

Let’s focus sa flood control na alam natin na maraming kababayan ang napahamak dahil ang pondo para sa mga flood control na makatutulong sana nang malaki sa bayan, ay ninakaw. Injustice ito sa mamamayan!

Although may mga imbestigasyon na nagaganap at maraming mga testigo at ebidensya na nakalap, patuloy pa rin ang pagtanggi ng ilang mga sangkot dito. Ilang sangkot dito na mga maimpluwensyang senators, congressmen ay patuloy na ginagamit ang kanilang position at connections para palabasin na wala silang pagnanakaw na ginawa. Pati relihiyon dito ay nakikisawsaw na rin para protektahan ang kanilang kamag-anak, miyembro at kanilang interes.

Reminder lang, makalusot man ang may mga sala sa hukuman dito sa lupa dahil sa kanilang katusuhan at pakikipagsabwatan sa mga suwail na justices, pero hindi sa langit. Ito ang sabi sa Revelation 20:12. “And I saw the dead, great and small, standing before the throne, and books were opened. Then another book was opened, which is the book of life. And the dead were judged by what was written in the books, according to their deeds” (NASB). “And as it’s appointed unto men once to die, but after this the judgement” (Hebrew 9:27).

“For we must all appear before the judgement seat of Christ, that each one may receive the things done in the body, according to what he has done, whether good or bad” (2Cor 5:10, NASB).

2

Related posts

Leave a Comment