KA-SABONG ON AIR, NASA SAKSI NGAYON NA

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

MAGANDANG araw mga Ka SABONG On Air, natutuwa po ako dahil nabigyan tayo ng espasyo rito sa Saksi para makapagkolum ng sabong, unang isyu natin at alam kong masisiyahan kayo mga klasmeyt, dahil tungkol sa may kinalaman sa manok ang ating pag-uusapan dito.

Alam naman natin na mula ng atakehin tayo ng COVID-19 at nagkaroon ng lockdown noong nakaraang taon ay nasalto ang operation sa mga sabungan, ipinagbawal ang sabong kaya nawalan tayo ng libangan, marami ang naperwisyong sabungero dahil nawalan ng pagkakakitaan tulad ng mga kristo, taga-ulot, manggagamot, mananari, mga may negosyo sa loob ng sabungan, nagtitinda ng patuka at gamot at maging ang mga breeder at backyard ay umaray dahil sa pagkawala ng sabong.

Mabuti na lang at may Charlie “Atong” Ang na nakaisip ng online sabong kaya naman nagkaroon muli ng pagkakakitaan, nagkaroon muli ng trabaho ang mga dating kumikita sa sabungan at mas marami na ngayon ang namimili ng manok para sumali sa online sabong tulad sa WPC.

Si Boss Atong Ang ang may-ari ng Lucky 8 Star Quest, isa sa binigyan ng lisensya ng PAGCOR na mag-operate ng ­E-Sabong, at talaga naman na malaking tulong ang WPC online sabong ni Boss Atong Ang sa ­gobyerno ­dahil milyon din ang kanilang naibibigay kada buwan.

Marami ang gumaya at nagpalisensya rin ang ibang e-sabong operators kaya naman mas lalong dumami ang nagkaroon ng trabaho at maging ang bigtime breeders ay nauubusan na rin ng warriors dahil sa dami ng bumibili ng kanilang manok at dumami rin ang mga nagpapa-derby.

Iba talaga mag-isip si Boss Atong Ang, lahat ay makikinabang hindi pansariling layunin, tulad ng Pitmaster Foundation na siya ang chairman, ma­laking ayuda sa mga nangangailangan ang nai­tulong ng Pitmaster Foundation, hindi lang sa mga sabungero kahit hindi sabungero ay natutulungan ng grupo ni Boss Atong Ang.

Ilang lugar na rin dito sa Pilipinas ang inayudahan ng Pitmaster Foundation lalo na noong inilagay sa ‘Granular Lockdown’ ang ilang lugar sa Maynila.

Nagpamahagi ng ambulansya sa provincial hospitals sa bansa, at nitong taon din ay tumulong din ang Pitmaster Foundation sa pagbibigay ng isang trak na bigas bilang ambag sa charity drive ng PNP-NCRPO.

Grabe talaga pag tumulong ang grupo ni Boss Atong Ang, umuulan talaga ng biyaya, kaya naman ang “SABONG On Air” ay katuwang ang WPC at Pitmaster Foundation para sa pagpapalakas ng sabong online rito sa Pilipinas nang sa gayon ay marami pang mga kababayan natin ang matulungan.

***

Nalalapit na mga Ka- SABONG On Air ang 1st Anniversary ng Pitmaster Foundation kaya naman naghanda tayo ng video para malaman niyo kung paano tayo nagsimula at ang mga kasalukuyang ginagawa ng mga KA-GAPP! Walang imposible ngayong pandemya basta sama-sama tayo!

Panoorin n’yo ang video at mag-subscribe na rin kayo sa aming YouTube channel, sundan ang GAPP sa Instagram Gamefowl Affiliates (@_gapp2020) • Instagram photos and videos.

***

Ang “SABONG On Air” ay bagong segment ng Radio DZME 1530 KHz AM na mapapakinggan tuwing Biyernes sa alas-3 hanggang alas-4 ng hapon kung saan ang host ay ang inyong lingkod, Ka Rex Cayanong.

Hanggang sa muli, mga Ka-SABONG On Air.

263

Related posts

Leave a Comment