3-DAY VACCINATION DRIVE, HOLIDAY O HINDI?

NAKIUSAP ang Malakanyang sa publiko na hintayin ang magiging desisyon ng gobyerno kung idedeklarang holiday o hindi ang 3-day COVID-19 vaccination drive bago matapos ang buwan ng Nobyembre.

Target kasi ng pamahalaan na bakunahan ang 15 milyong Pilipino sa panahon ng Nobyembre 29 hanggang Dec. 1 o 3-day COVID-19 vaccination campaign.

At sa tanong kung ang mga petsang ito ay holidays, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na, “Inaasikaso po kung anong magiging desisyon ng Office of the President tungkol d’yan.”

“Hintayin na lang po natin ang anunsyo galing sa Palasyo,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

Tinukoy ni Sec. Roque na Bonifacio Day sa Nobyembre 30 na isang regular holiday. (CHRISTIAN DALE)

160

Related posts

Leave a Comment