KABABAIHAN BIBIGYAN NG DAGDAG NA PROTEKSYON VS DISKRIMINASYON

INIHAIN ni Senador Joel Villanueva ang isang panukalang batas upang palawakin ang ipinagbabawal na pagkilos sa Labor Code na maituturing na diskriminasyon sa kababaihan.

Sa kasalukuyan, ayon kay Villanueva ay ipinagbabawal na sa Labor Code ang ilang pagkilos ng diskriminasyon laban sa kababaihan, pero kailangan iangkop ang batas alinsunod sa pagbabago ng panahon.

“Considering that almost 50 percent of our labor force is women, it is but proper to further expand and elaborate on the prohibited acts of discrimination against them,” aniya.

Sa ilalim ng Senate Bill NO.2093 na inawtor at inihain ni Villanueva, tinukoy na isang uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan at ipinagbabawal ang mga sumusunod:

*Pinapaburan ang kalalakihan kaysa kababaihan na empleado hinggil sa assignments o dismissal dahil sa gender

* Tinatabla sa employment o statutory benefits ng kababaihan dahil sa gender

Layunin din ng panukala ni Villanueva na parusahan, hindi lamang employer na nagsagawa ng diskriminasyon kundi maging empleadyo o sinuman na tumulong o kumampi sa paglabag.

Ipinagbabawal din ng Labor Code ang pagbabayad ng mas mababang kumpensasyon sa kababaihan sa katulad na trabaho ng kalalakihan, promosyon ng kalalakihan kaysa kababaihan dahil sa gender, pagtatanggal sa buntis sa trabaho at umiiwas pabalikin ang kababaihan dahil baka mabuntis ulit.

“While these provisions in the Labor Code were a laudable effort to ensure the protection of women in the workplace and guarantee their equal treatment by employers, we believe it is necessary to revisit the scope of the prohibited acts of discrimination,” ani Villanueva sa panukala.

“Women shouldn’t be the last to be hired and first to be fired. When a firm is retrenching workers, women shouldn’t be the first to be shown the door simply because of her gender. Promotion should be based on performance and not denied on the basis of sex,” dagdag ng mambabatas. (ESTONG REYES)

263

Related posts

Leave a Comment