UMARANGKADA ang 4K Party-list (Kababaihan Kabalikatan para sa Kapakanan at Kaunlaran ng Bayan) sa pinakahuling survey na isinagawa ng OCTA Research. Kasama ang 4K sa unang sampu (10) na party-lists na napupusuang iboto ng karamihan ng mga Pilipino sa darating na Mayo 12, 2025 elections.
Ang Tugon ng Masa (TNM) Pre-Election Survey, isang independent at non-partisan poll na ginawa ng OCTA Research at inilabas bilang serbisyo sa publiko, nakakuha ng ika-sampung (10) pwesto ang 4K mula sa 155 party-list organizations na nagnanais makaupo sa susunod na Kongreso.
Ang 4K, ay isang umuusbong na kilusan ng kababaihan na nagnanais makipaglaban para sa ekonomikong seguridad ng kababaihan at kabuhayan ng pamilyang Pilipino, ay nakakuha ng 2.34 porsyento at tinatayang makakakuha ng dalawang (2) upuan.
Ang non-commissioned nationwide survey ng OCTA ay isinagawa noong Enero 25 hanggang 31 ay may 1,200 respondents at margin of error na plus o minus three (3) porsyento.
Samantala, nagpasalamat si Iris Montes, ang unang nominado ng 4K sa napakagandang suporta ng taong bayan at nangako na patuloy na pagbubutihan ang trabaho upang tiyakin ang pagbibigay kapangyarihan sa kababaihan at serbisyo sa pamilyang Pilipino.
“Sobra po kaming nagagalak at nagpapasalamat dahil karamihan ng mga botante ay nakikita ang napakalaking kontribusyon ng 4K para sa ekonomikong pag-unlad ng kababaihan at kanilang pamilya. Magiging inspirasyon po ang resulta ng survey upang paigtingin ang aming mga ginagawa. Patuloy kami sa pagsusumikap na makamit ang agenda ng 4K para sa health (kalusugan), education (edukasyon), environment (kapaligiran), livelihood (kabuhayan), at services (serbisyo)”, pahayag ni Montes.
Ang 4K Party-list ang nag-iisang baguhang party-list na napasama sa top ten (10) ng nasabing survey.
