FPJ Panday Bayanihan partylist pasok sa Top 5 sa OCTA Research survey

NAKUHA ng FPJ Panday Bayanihan partylist ang ikaapat na pwesto sa pinakabagong survey ng OCTA Research mula sa 156 partylists na magtutunggali sa 2025 midterm election.

Pasok sa Top 5 ang FPJ Panday Bayanihan sa botong 3.84% na nakuha sa Tugon ng Masa survey ng OCTA.

Nasa pangalawang pwesto ang 4PS partylist na may 5.62%. Ang fieldwork ng survey ay isinagawa ng OCTA research team mula 25 Enero hanggang 31 Enero 2025, gamit ang harapang panayam sa 1,200 respondents sa buong bansa.

Ayon kay Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan partylist, ikinalulugod nila ang makabuluhang pagtaas sa puwesto ng partido sa pagkamit nito ng 3.84% boto, isang matinding pagtaas mula sa mas mababa sa 2% survey ng OCTA research noong Disyembre ng nakaraang taon.

Sa pagtaya, ang FPJ Panday Bayanihan partylist ay maaaring manalo nang hindi bababa sa dalawang upuan sa Kongreso.

Mababatid na ang FPJ Panday Bayanihan ang tanging grupo na walang kasalukuyang kinatawan sa Kongreso, na nagpapakita ng kanilang matibay na suporta mula sa masa. “Kami ay talagang nagpapasalamat sa aming mga kapwa Filipino para sa kanilang napakalaking suporta,” sabi ni Poe.

“Ang kinalabasan ng survey na ito ay nagpapalakas ng aming determinasyon na ipatupad ang mahahalagang reporma na magpapabuti sa buhay ng mga pinakanangangailangan. Ang pagkain, pag-unlad, at katarungan ay mananatiling aming pangunahing prayoridad sa ilalim ng aming plataporma at mga konsultasyong sektoral,” dagdag niya.

17

Related posts

Leave a Comment