Kababayang suspek arestado 2 CHINESE KFR VICTIMS NASAGIP NG PNP-AKG

ARESTADO ang isang Chinese national ng mga tauhan ni Philippine National Police–Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) Director P/BGen. Jonnel C. Estomo habang dalawang Chinese kidnap victims ang nasagip sa Quezon City at Angeles City.

Ayon kay Gen. Estomo, dalawang magkahiwalay na dragnet operation ang ikinasa ng kanyang mga tauhan bandang alas-4:00 ng hapon sa Jollibee food chain sa Boni Serrano Road, Quezon City at Blk. 17, Lot 12, 14, Rosal St., Timog Park Subdivision, Brgy. Pampang, Angeles City bandang alas 9:30 noong Miyerkoles ng gabi.

Ayon kay P/Major Rannie Lumactod, PNP-AKG Spokesman, dalawang Chinese national ang nasagip ng mga tauhan ng PNP-AKG Operatives, na pinamumunuan ni Villaflor S. Bannawagan, ng AKG-Central Luzon Field Unit.

Pahayag ni Maj. Lumactod, base sa salaysay ng kidnap victims na kinilalang sina Zhang Quixing at Zeng Guoqiang, parang baboy sila kung tratuhin ng sindikatong dumukot sa kanila.
Nabatid na nag-ugat ang operaasyon ng PNP-AKG matapos na maghain ng reklamo ang isang Mr. Wang Dapeng na kaibigang matalik ni Mr Zhang Quixing, na dinukot umano ito noong Agosto 29, 2020 ng hapon sa NAIA Terminal 1, Parañaque  City, ng grupo ng mga kalalakihan na pawang Chinese.

Dinala ang biktima sa Brgy. Pampang, Angeles City at pinuwersang pumirma sa isang blangkong papel at pinuwersang magtrabaho at kalaunan ay hiningian ng 20 thousand RMB para sa kalayaan nito.

Habang ang pangalawang biktima naman ay dinukot noong Agosto 31, 2020 bandang alas-3:00 ng hapon sa isang lugar sa Pasig City.

Nabatid na noong Setyembre 1, pinakawalan ng mga kidnapper si Zhang Quixing sa Jollibee Petron na malapit lamang sa Camp Crame, matapos na magkasundong magbabayad ng 16,300 RMB
bilang ransom.

Sa salaysay ng biktima, itinuro nito ang pinagtataguan ng mga suspek at kung saan sila dinala.

Agad na bumuo ng tracker team ang AKG LFU para sa hot pursuit operation sa Angeles City at sa tulong ng Police Station 2, Angeles CPS, ay sinalakay ang isang bahay sa B17, L12, 14 Rosal St., Timog Park Subdivision, Brgy. Pampang, Angeles City na nagresulta sa pagkakaaresto kay Xiong Xiong, isa sa mga suspek at masuwerteng nailigtas ang isa pang kidnapped victim na si Zen Guoqian na binabantayan ng suspek.

“As a backgrounder,  the suspects more or less 5 to 10 Chinese men are looking for their would be victims at NAIA Terminals or in a place where the Chinese Nationals frequently gathered to pursue their nefarious activities for kidnapping,” pahayag pa ni Gen. Estomo sa Saksi Ngayon.

Kasalukuyang nakadetine ang suspek sa AKG lock-up jail para sa follow-up investigation and documentation atposibleng pagdakip sa mga kasamahan nito. (JESSE KABEL)

132

Related posts

Leave a Comment