KAILANGANG ma-demolish agad ang pagbabaliw-baliwan ni dating Police Staff Master Sgt. Jonel Nuezca upang masigurong makakamit ng pamilya ng mag-inang Gregorio ang katarungan.
Ito ang payo ni House Committee on Public Order & Safety Vice Chairman Frederick Siao sa government at private prosecutors sa kaso ni Nuezca matapos magpasok ito ng “not guilty plea” sa 2 counts of murder na isinampa sa kanya.
“Given the not guilty plea the accused murderer former police officer Nuezca has made, we can most probably expect an insanity defense by his legal counsel in the coming weeks,” ani Siao.
Magugunitang ikinagalit ng sambayanang Filipino ang harap-harapang pagpatay ni Nuezca sa mag-inang sina Sonya, 52, at Frank Anthony, 25, noong Disyembre sa harap mismo ng bahay ng mga biktima.
Nai-video ang pagpatay sa mga biktima ng mga kapitbahay at kaanak ng misis ng suspek, na agad nag-viral at ikinagalit ng mga Filipino.
Dahil sa kasong ito, tuluyan nang tinanggal bilang pulis si Nuezca at bago ito ay nagpasok ito ng not guilty plea na ayon kay Siao ay preperasyon para palabasin na siya ay nabaliw nang gawin ang krimen.
“Nuezca’s lawyers will try to put forward the insanity defense. They will try to convince the public that Nuezca “lost his mind”, had a “psychotic episode”, or “nagdilim ang paningin” moments before he shot in the head and instantly killed Sonya Gregorio and Frank Gregorio,” ayon pa sa mambabatas.
Dahil dito, kailangang i-demolish agad ang depensang ito dahil base sa viral video, desidido si Nuezca na patayin ang mag-ina at tila balewala sa kanya ang pagpatay ng tao.
“I hope our government prosecutors will be ready to assail and demolish the insanity defense Nuezca’s lawyers will mount,” dagdag pa ng mambabatas. (BERNARD TAGUINOD)
