KAHALAGAHAN NG CDO WARNING SYSTEM TINALAKAY

IPINALIWANAG ni DOST Secretary Renato Solidum ang kahalagahan ng Cagayan de Oro River Basin Flood Forecasting and Warning System na nagkakahalaga ng P300 million sa ginanap na inauguration ceremony na dinaluhan ni Japan Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary H. E. Endo Kazuya sa pakikipagtulungan ng kanilang Japan International Cooperation Agency (JICA).

Layon nitong mamonitor ang sitwasyon tuwing nagkakaroon ng mga pagbaha sa naturang lugar. Kasama rin sa dumalo sina PAGASA Administrator Nathaniel Servando at iba pang local officials na idinaos sa Barangay Molugan, El Salvador City, Misamis Oriental.

(BENEDICT ABAYGAR, JR.)

19

Related posts

Leave a Comment