Ni Ann Esternon
Kaliwa’t kanan ang challenges sa social media at marami rin naman talagang sumasali rito sa iba’t ibang rason.
Pero malaking hamon talaga kung ang labanan ay pag-expose ng kakaiba sa iyo gaya ng kumasang si Mackenzie Brown na taga Houston, Texas sa Amerika.
Dahil sa pangungumbinse ng kaibigan, napilitan din si Brown na sumali sa challenge na “really weird things their bodies do and they’re not sure if anyone else’s does”. Dahil dito, nag-viral nang husto ang kanyang video kung saan ipinakita niya na may pubic hair na tumutubo sa kanyang daliri. Oo, pubic hair talaga. Nasa taas na larawan ang daliri ni Brown.
Sa kwento, nagkaroon ng skin grafting noong dalawang taon pa lamang si Brown.
“When I was two years old, my mum slammed a door shut on my finger. It ripped off the top of my finger and this was back in the 1990s so I got a skin graft,” ani Brown.
Isang surgical procedure ang skin grafting kung saan inililipat ang isang bahagi ng balat sa paglalagyan nito kung ang nasirang area ay nawalan ng protective covering.
Pinili ng mga doktor na kunin ang balat na gagamitin mula sa bikini area ni Brown para takpan ang nasirang balat sa kanyang daliri. Sa bikini area kumuha ng balat upang ang kanyang pilat ay hindi mabanat.
Nang umuwi na si Brown sa bahay ay nilublob naman nito ang kanyang daliring bagong opera sa toilet kaya ang epekto nito ay nabasa ang kanyang cast at naging brown at itim ang dulo ng kanyang daliri.
Nang magdalaga na si Brown, napansin niyang may mga makakapal na buhok na tumutubo sa dulo ng kanyang daliri – katulad ng buhok sa maselan bahagi ng katawan. Napansin niyang sabay na nagsimulang tumubo ang mga buhok rito.
KONDISYON, KARANIWAN NA
Sa sumunod na uploaded video ni Brown, ipinakita niya kung paano niya binubunot ang mga buhok sa kanyang daliri gamit ang tsani.
Dahil naging viral ang video ni Brown, samu’t saring reaksyon din ang nailabas ng publiko.
May doktor ding nagpaliwanag na karaniwang genital tissue ang ginagamit sa skin graft para ma-repair ang damage o trauma sa kamay.
Sinabi rin niyang may pasyente na ginamitan ng balat mula sa kanyang sariling “balls” para mailigtas lamang ang kanyang hinlalaki na binansagang “scrotal thumb.”
“This tissue we know is more elastic, more mobile and needs it in this highly mobile area. In more serious transplants, the patient may have to sew a finger into the groin to prevent the skin graft from being rejected by the body,” paliwanag pa Dr. Sandra Lee. “This is often a step-by-step surgical procedure, meaning that the graft requires a finger to be sewn into the groin for three weeks to heal.”
Ang video ni Brown ay pumalo sa halos 30 million views. At game rin si Brown na ipaliwanag pa ang nangyaring aksidente sa kanya.
