KALIGTASAN NG CONTACT TRACERS TINIYAK

TINIYAK ng Malakanyang na ligtas mula sa COVID-19 ang mga contact tracer.

Ito’y dahil kabilang din sa mga binabayaran ng PhilHealth ang COVID-19 test ng lahat ng contact tracers sa bansa.

Layon nito na matiyak na hindi nakapagdadala ng virus ang mga contact tracer sa mga lugar na kanilang pinupuntahan.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, kasama ang mga trucker sa mga economic frontliners na kailangang sumailalim sa regular na PCR o antigen test kung saan wala aniya silang babayaran na anomang halaga.

Binigyang diin ni Sec. Roque na sapat ang antigen supply ng bansa na ginagamit na rin aniya ng iba’t ibang Local Government Units (LGUs) para sa mga isinasagawa nilang testing effort sa kani-kanilang nasasakupan.

Aniya pa rin, dahil sa dami ng suplay ng antigen test ay puwede na rin itong gamitin sa mga trucker para masiguro na hindi sila makapagdadala ng virus sa mga komunidad na kanilang pupuntahan. (CHRISTIAN DALE)

140

Related posts

Leave a Comment