PINANGUNAHAN ni Sen. Cynthia Villar ang pagbubukas ng 220 metrong kalsada sa kahabaan ng River Drive na magbibigay ng permanenteng akses sa modular hospital, isang pasilidad pangkalusugan sa Lungsod ng Las Piñas noong Lunes, Marso 17.
Ang pasilidad ay unang ginamit upang mapaluwag ang Las Piñas General Hospital at Satellite Trauma Center (LPGHSTC) noong panahon ng COVID-19 pandemic.
Nauna nang ginanap ang inagurasyon ng bagong gusali sa LPGHSTC para sa pagpapabuti sa mga serbisyo ng pangangalagang pangkalusugan sa lungsod.
Ang 12-palapag na gusali ay magtataas ng kapasidad ng LPGH at STC mula 200 hanggang 500 na kama o hospital beds. Ang pagtatayo nito ay alinsunod sa isinasaad ng Republic Act No. 11497, isang panukalang ipinagtanggol ni Rep. Camille Villar sa House of Representatives at Senador Villar sa Senado. (DANNY BACOLOD)
